Sunday, May 12, 2019

Maculabo Island - A Jewel Within the Mines of Gold

Image may contain: ocean, sky, cloud, beach, outdoor, nature and water



Maculabo Island
Because whenever friends and other people inquire about Maculabo Island… (Hehehe… They thought I am a travel agent) I have this wide awake story telling of what Maculabo Island is all about…
Kuya Kim 101
Ito ay beses sa mga tanong na usually na tinatanong sa akin pag nakikita nila ang mga post ko ssa aking social media….
Tanong 1: Maculabo? Ano un?
Sagot: Ang Maculabo ay isang Isla na kasama ng group ng mga isla ng Calaguas na nasa jurisdiction ng municipalidad ng Paracale, Camarines Norte… Ito ay matatagapuan sa Rehiyon ng Bicol… Na syang nagsilsilbing pook pahingahan sa mahabang paglalakabay sa dagat… sa mga panandalian lamang bago mo parating ang Isla ng Tinaga na syang kilala dahil sa Mahabang Buhangin…  Ang isla mga mahigit kumulang na apat na kilometre ang haba at napapaligiran ng malacrystal na tubig na may pinong pinong buhangin. May mga local na naninirahan sa isla ito na pinamumunuan ng kanilang butihing barangay kapitan na si Ginang Alma Ramos… Ang munting pamayanan ditto ay namumuhay ng payak sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka kung saan ang lahat ay masaya dahil sial ang nagtutulong na maging ma-unlad ang bawat isa… malinis ang isla… walang mga plastics… disiplinado ngunit  mga masiyahin…
Tanong 2: Ah…Eh… Paano Makarating ditto kung ako’y magmumula sa Manila?
Sagot: Sumakay ng bus sa Cubao (dun lang kasi ang alam ko) mga 640 php ang pamasahe… at kung ikaw ay may PWD, Student, Senior Identification Card… well… me discount ka pa! tapos mula sa terminal ng bus may mga sakayan na dun na pwedeng maghatid sayo sa Paracale, Camarines Norte. 20 php and pamasahe at mula sa simbahan na syang nakatayo na sa mahigit 400  na taon ang tanda, mayroong sakayan doon ng tricycle na syang maghahatid sayo sa Paracale Pulang Daga. Ang Pulang Daga ay ang centro ng turismo at mga accommodations sa Calaguas Group of Island sa Paracale… Mga 20 Php ang pamasahe ditto…Then Sasakay mula ditto ng alaking bangkang de motor sa halagang 500 php…. Take note ang mga malaking bangkang ito ay pag aari ni Ms. Shie angrade ng Pulangdaga Calaguas Advaentures na maari mong makasama sa loob ng 2 araw na paglalayag kung saan mo man gustuhin…Mahigit 8 oras ang byahe mula sa Manila at higit isang oras naman kung ikaw ay mamumula sa Daet at 30 minutos mula sa Pulangdaga… So ang back and fort mo sa byahe ay mga 2000 Php… J
Tanong 3. Hala ang Mahal! Me iba pang way?
Sagot: Oo naman! Pwedeng Mag arkila ng van sa halagang 20000-24000 php back ang fort na pwedeng maglaman ng 10 taon… Please lang 10 tao lang sana ang kasama nyo dahil sa mahabang paglalabay mas maigit na ikaw at makakaunat ng husto. Ulitin ko ha… 8 oras ang byahe at hindi ko advise ang higit sa 11 tao ang laman ng inyong sasakyan…
Tanong 4: Anung Meron sa Maculabo?
Sagot: Ang Maculabo ay isang isla na mahigit 4 na kilometro ang laki o haba. May munting pamayanan ditto na syang masasabi kong napakaswerte dahil sa napakapayak ng kanila pamumuhay. May napkagandang dalampasigan…
Tanong 5: Gaano kaganda ang isla ng Maculabo?
Sagot: Ay Naku!!! Gugustuhin mong magpaiwan na lang ditto… kaganda ng islang ito… Puting puting at pinung pino ang buhangin ditto… napapangay ng hangin sa pagkapino… pwede kang magyapak dahil walang nakakasugat sa pino ng buhangin… Ang tubig dito ay napakalinaw… mula sa bangka na iyong sinasakyan naghahalo ang berde asul na kulay may pagkabughaw na katulad ng langit… and buong dalampasigan ay nagniningning sa habang ang sinag ng araw ay naglalaro sa mga alon na syang humalaki sa dalampasigan… Ang isla ang hitik sa mga puno at halaman na syang nakapagpapaligaya at nakapagpakalma sa iyong pakiramdam at mata sa oras na ikaw ay dumaong dito… Hindi mabaho ang hanging dahil malinis at may disiplina ang mga taong nakatira dit. Alam nila ang kanilang responsibilidad nilang mga residente ng islang ito… dahil dito mapapagaya ka sa kanila na maging maayos ang pakikitungo sa  isa’t isa with a smile…

Image may contain: 2 people, text
The Municipal of Paracale has a aspecial office to cater your tour all over the town... With the awesome tour guide courtesy of Mr. Mark Gil of this department... You will surely have this amazing travel ever!

Image may contain: sky, cloud, ocean, mountain, outdoor, nature and water
Ganda no??? Maculabo Island yan!!! 
Image may contain: Summer Rain Drew, smiling, ocean, outdoor and water
Ganda ng tubig! Sobrang Linaw!
Image may contain: sky, plant, mountain, ocean, tree, outdoor and nature
That's the Maculabo Island from a far! Kay gandang tanawin!
Image may contain: 1 person, standing and outdoor
kahanga hangang mag tour si Sir Mark! Pakiramdam ko hindi lang isang blogger na dapat iinform ng about this or that.. tinuring nya kmaing mga malalapit na kaibigan... 
Image may contain: one or more people, ocean, sky, cloud, outdoor, nature and water
Wala talaga akong masabi kundi maganda po talaga... pwede po bang maiwan na lang sana ako dito...
Image may contain: one or more people, ocean, sky, outdoor and nature
Bayanihan sa dalampasigan!


Image may contain: 1 person, ocean, sky, cloud, beach, mountain, outdoor, nature and water

Image may contain: ocean, dog, sky, outdoor, nature and water

Sa totoo lang gustong gusto kong manirahan dito... lahat ng kailangan ko nandito... hindi baleng walang internet...

Thankful!

Want a beach life in Maculabo??? Feel free to contact Sir Mark Gil A. Zamundio - The Official Tourism Designate of Paracale, Camarines Norte - 0938 408 7859

:) 








No comments:

Post a Comment