Tuesday, March 19, 2019

Tusukin Ko Mukha Mo - The Aesthetics Studio ni KRISTINE LUCAS

Napakabait naman talaga ng panahon, tila natapos ko na sulatin ito at ilalatha nalang pero ano nangyari!? Nawala! Nawala! Grabe naman pero mamadaliin ko na ito. 

Kita niyo mukha ko dito ganyan din mukha ko bago ako pa ako isalang sa serbisyo na aming pinili. 

Lalagyan muna ng pampamanhid bago ka tusukin ng maraming karayom, wag kayong matakot wala kayong mararamdaman sa proseso dahil may pinahid nga diba? 

Di ko masyadong susuriin ang nangyari kasi baka naman matakot, o hindi na masaua kasi alam niyo na mangyayari pero. Sinasabi ko sa inyo mahihinay at magpalulubay nalang  kayo habang tinutusok at tinatadtad ng karayom. 

Matapos iyon lalagyan ka ng maskara kung saan halos makakatulog ka sa sarap. 

Matapos na iyon lalagyan ka ng pampakintab na tila parang salamin narin mukha mo... 

Tatlong araw pa talaga bago makita ang pagkakaiba. 

May mga tagubilin sila ng matapos ito. 

Huwag gagamit ng pulbos o kolorete

Iwasan ang Araw

Maglagay ng proteksyon sa mukha laban sa araw kahit nasaloob ka pa

Bawal basain sa loob ng dalawampu't apat na oras

Huwag kamutin ang mukha o kuskusin. 

Iwasan ang magagabok at mausok na lugar higit papaano

At maglagay ng moisturiser. 


At muli hinahandog ng... 

Nakagagalak naman bumalik... 

Sumasainyo, Husto.